Richie Awards For Film, Television And Music

So eto na. Actually matagal ko nang pangarap pamunuan na magtatag ng award giving body. Wala akong sources. Hindi ko alam kung ano rin ang gagawin ko. Kung may tutulong man sa akin, salamat. Pero mas gusto ko na solohin na lang itong award na ito. Lalo na nickname ko ang nakasalalay dito. Sa pag-antabay ko sa Grammy Awards, Billboard Music Awards, etc. Sa TV nariyan ang PMPC Star Awards for Television at iba pa. Sa pelikula naman ay MMFF Awards, FAMAS at Urian kaya naisipan ko na maglunsad para sa sarili ng ganitong award.

Sa tatlong ito, mahina ako sa film kasi di ako aware masyado sa mga pelikula. Hindi naman kasi lahat ng pelikula napapanood ko. Kahit sa music medyo hirap din ako. I-like niyo po ang fb page na ito. Yung mga mahilig sa award paki-like itong page para masuportahan niyo ito. Kung makapagturo ako sa pasukan malamang may funding ako sa ganitong award. Certificates ang talagang sure ball sa pagbibigay ko ng parangal dito. Best Picture, Best TV Station at Leading Music Artist ang pinakamataas na parangal na ibibigay ko sa award na ito.


Ang award ay most satisfying award giving body in Film, Music and Television in the Philippines. Siyempre pangarap ko na umasenso ang award giving body na ito. Ang importante ay may donor tayo ng cash para ma-push itong award na ito. Kung may pera ako pambili ng trophy ay baka sa Pandayan ako magpagawa ng trophy. Hindi luto itong award. Hindi cooking show. Hindi rin cook fest. Sisikapin kong pag-aralan at bubusisiin ang mga bibigyan ko ng parangal sa award. I hope talaga may mabigyan na ako ng award ngayong 2026. Kahit wala akong kitain dito okay lang basta matuloy lang itong award. And I hope this year ay mangyari na.


Suportahan niyo ito ah. Oo marami na ngayong awards. Siyempre dagdag na ako doon. Dati may PATAS daw noong panahon ni Marcos. Nahinto ito nung nagbago na ang administrasyon. Dahil maliit pa ito sa umpisa sa online ko i-a-announce ang award. Sa September ang television. Sa October ang film. At sa November sa music. I hope itong contribution ko sa sining ay lumago at umunlad. Tapos dumating ang point in time na maraming tumulong masakatuparan lang itong award kong ito. Kung gaano kaglomorosa ang Grammy’s at Oscar’s o Emmy’s. Sana I hope ang Richie Awards ay kayang pumantay sa international awards.


To end this blogpost. Sa blog ang site kung saan malalaman ang detalye ng award. Wala akong pambayad sa website sa libreng blogger ko pa lang ito sinimulan. Happy na ako sa blog na ito mangyari. Hindi mayaman ang Richie Awards. Award ko ito na pagpapahalaga ko sa sining ng pelikula, musika at telebisyon. I hope huwag kayo mabibigla sa mga announcement ko sa mga mananalo. Kung may suggestion. Open naman ako sa suggestion niyo lalo na sa ikagaganda nito. I hope 2026 mangyari na ito at maganap. Tapos masarap sa pakiramdam ko na nakagawa ako ng bagay na ikaliligaya ko bilang tao na may halaga sa sining ng musika, telebisyon at pelikula.


Maraming salamat.



  • Richie

Comments

Popular posts from this blog

Categories

National Artist For Music

National Artist For Music